top of page

MUSIC

playlists

“MAY PAG-ASA PA, SA ATING MUSIKA”
ni Donna Marie P. Manaois

Ang inspirational songs o motivational songs ay mga kantang bibigyan ka ng magandang pananaw sa buhay na makamit mo ang mga pangarap mo at para ipaalala sa’tin na maganda ang ating buhay.

           

Tayong mga Pinoy, mahilig tayong gumawa ng mga kanta na nagiging patok sa masa, na kayang sabayan ng mga Pilipino at nagbibigay inpirasyon sa ating lahat. Minsan nakakalimutan nating mga Pinoy ang ating musika, dahil mas nahihilig tayong pakinggan ang mga awitin sa ibang bansa, ngunit nitong mga nakaraang buwan, unti unti nang bumabalik ang ating pagtangkilik sa sariling awitin, ang OPM. Ito ang mga awitin na kayang magbigay buhay sa atin, na kayang bigyan ang ating mga sarili ng magandang pananaw. 

me to add your own content and make changes to the font.

“LOVE SONGS, PARA SA'KIN, PARA DIN SA'YO"
ni Charles Romar C. Magcale

Ang OPM ay may iba't ibang genre o tema, karamihan sa mga nakikinig dito ay mas gusto nila pakinggan ang mga kantang tungkol sa pag-ibig. Ang love songs ay hindi lang para sa mga mag kasintahan, pwede din ito sa pamilya, kaibigan, at sa mga taong nasawi sa pag-ibig.  Ang mga tagapakinig ng love songs ay naihahalintulad nila ang mga kantang ito sa kanilang buhay, dahil bawat linya ng kanta ay tumatagos sa kanilang isip at puso. Ang OPM na love songs ay natutulungan nito ang mga mag kasintahan na magsaya sa kanilang buhay pag-ibig, dahil kapag napapakinggan nila ang paborito nilang musika ay naaalala nila ang mga masasaya at nakakakilig na memorya na mag kasama silang dalawa, kahit nasaan man sila.

 

Natutulungan din ng OPM love songs ang mga tagapakinig nito kapag sila ay nakaranas ng pagkasawi sa kanilang buhay pag-ibig, natutulugan sila upang makabangon sa mga sakit na kanilang pinagdaanan. Hindi lang ito nakakatulong para sa mga pusong nasawi kundi nagbibigay din ito ng saya lalo na sa ibat ibang okasyon kung saan maraming ganap sa ating buhay. Nagbabago man ang ating henerasyon sa mundong ito, ang OPM love songs ay tinatangkilik pa din ng mga matatanda at patuloy pa din nila itong pinakikinggan at hinahangaan dahil sa magandang mensahe na hatid nito. May mga dumating mang mga bagong kanta sa ating henerasyon ang OPM love songs ay marapat lamang na patuloy pa ding nasa puso at isip ng mga Pilipino.

 

           Narito ang playlist na para sa’yo anumang sitwasyon ng puso mo ngayon.

​

“PRAISE YE THE ALMIGHTY GOD”
ni Queenberlyn P. Teofisto

​

​

Ginagamit ang mga religious song para magpuri sa Panginoon na makapangyarihan sa lahat. Nakakatulong ang mga awiting pagpuri sa Panginoon upang lalong tumatag ang ating mga pananampalataya at manatili tayong naglilingkod sa Dios. Mga awitin sa Panginoon ay nakakapawi ng kabalisahan at kalungkutan na nakapagbibigay ng kapayapaan sa puso.

            Trivia: Ang mga awitin para sa Panginoon ay nakakapagalis ng masasamang espiritu. ( II Samuel 16:23). Kung may bumabagabag sa iyo o may nararamdamam kang takot umawit ka lang ng mga awitin para sa Dios.

            Sa kasalukuyan may isang programang nagpapalaganap ng mga awitin para sa Dios. Ito ay tinatawag na A Song of Praise Music Festival na nagbibigay ng pagkakataon sa mga manlilikha ng awit na maipakita ang kanilang husay sa pagsulat ng mga awitin at makapagpahayag ng kanilang mga pagpuri at pagpapasalamat sa Dios. Sa pamamagitan ng programang ito, marami ang nahihiyakat na magsulat ng mga awitin para sa Panginoon. Marami ang nais magpahayag at magpakita ng kanilang kahusayan sa paglikha ng awit kaalinsabay nito ay nakakapaghandog papuri na rin sila sa Dios. Ito ay nagiisang programa sa ating bansa. Isang mabuting bagay ang magpapasalamat sa Panginoon, at umawit ng mga pagpuri sa iyong pangalan, Oh Kataastaasan:(Awit 92:1).

“ANG BUHAY NATIN”
ni Merriam G. Compas

 

​

           

 

Ang buhay natin minsan magulo, minsan hindi. Tibay at tiyaga ang kailangan kaya’t huwag magpapadala sa mga pagsubok na dulot nito dahil sa ating buhay, palagi yang kasama. May mga pagkakataon din na tayo’y masaya, pero hindi ibig sabihin nito ay wala tayong problema. Sa bawat ngiti natin, kapalit nito’y sakit sa ating damdamin. Ngunit kahit ano pa man ang nararamdaman at pinagdadaanan ng isang tao sa kanyang buhay, hindi mawawala sa isang tao ang pakikinig sa musika. Ang mga musikang tungkol sa ating buhay ay isang napakagandang instrumento upang tayo ay mas magkaroon nang lakas ng loob upang harapin natin ang ating buhay nang may sigla at pag-asa. Sa tulong nang pakikinig sa mga Original Pinoy Music mas lalong magkakaroon ng ngiti sa ating mga labi at mas pagtutuunan natin ng pansin ang positibong handog sa atin ng ating buhay.

            Masaya ka man o malungkot sa iyong buhay sa kasalukuyan, ang playlist na ito ay maaaring makatulong sa’yo.

“KABATAAN, MANGARAP KA, HANGGANG MAKAMTAN MO ANG MAGANDANG KINABUKASAN”
ni Laira Dagandan
​

 

           

 

Ang OPM ay isang uri ng kanta na nilikha ng mga filipino, isa na rin dito ang ‘youth’ o ‘kabataan’ dahil ang mga kabataan ay isa sa mga pangunahing tao dito sa ating bansa, ang mga kabataan ay mataas mangarap upang magkaroon ng magandang buhay kaya ito’y ginagawan ng magagandang awitin na nangunguluhugan sa kabuhayan, pananaw, pangarap, kasiyahan at kung ano pa na nararamdaman o nangyayare sa mga kabataan dito sa ating bansa.

”Alimpulos ng Mundo”
ni Jonathan V. Espadero
​
​
 

            Kung pagmamasdan natin ang ating kapaligiran, maraming nagbago mula noon hanggang ngayon. May mga bagay na napasama ngunit may mga bagay din na napaganda sapagkat tulad ng alapaap na makikita natin sa ilalim ng madilim na kalangitan, mararamdaman natin ang kaginhawaan matapos ang mahabang araw. Hindi maipagkakaila ang sarap dito sa ating lugar kahit na madaming hindi kaaya-ayang nangyayari sa kasalukuyan, dahil sa bawat trahedya ay may kakayahan pa din ang mga Pilipino para bigyan ng rason ang lahat upang bumangon, ngumiti at tumawa. Dahil ang Kapayapaan ay nagsisimula sa ating mga sarili, kung payapa ang ating isip at puso, makakapagbigay aksyon tayo ng maayos sa bawat hamon na patuloy na sumusubok sa atin araw araw.  Karamihan sa atin ngayon ay parang hangin na lamang na nagpapadala sa ikot ng mundo at sa bawat takbo ng oras segu-segundo dahil nakatatak na sa bawat isipan nila ay wala na namang magagawa, pero kung iisipin natin na sa atin mismo magsisimula dahil sa atin mismo kailangan magsimula ang pagbabago para magbago din ang nasa paligid natin. Mahalaga ang kalikasan at lahat ng bagay na nakapaligid sa atin, sapagkat nabubuhay tayo dahil dito at miski hayop hindi nabuhay para sirain ito.

            Magagandang tanawin, madali mong makikita ngunit patuloy na sinisira. Balangaw na lamang ang nagbibigay kulay miski sa Sierra Madre. Nababalutan man ang ating lugar ng basura ng mundo, hindi tayo dapat nagpapadala sa sigwa nito. Iba-iba man ang pinagmulan natin, mapa-anak ng pasig ka man, pare parehas lamang tayong nilikha para sa mundo. Dahil sa dulo ng kabukiran, matatanaw natin ang paraiso kung lahat tayo ay kikilos.

            Ilan lamang iyan sa mga mensahe ng iilang kanta na patungkol sa kalikasan. Mapapansin natin na ang mga kantang nakatala sa ibaba ay halos lahat mga makalumang kanta. Isa lamang ang ibig sabihin nito, karamihan ng mga kanta ngayon ay nananatili sa iisang tema, may iilan din namang may malalim na konteksto pero iilan na lang ang tumatangkilik sa paggawa ng pangkalikasang kanta. Mayroon din namang mga malikhaing manunulat na inihantulad ang iba’t ibang element sa kalikasan sa nararamdaman ng isang tao upang lalo itong mas maintindihan. Kung nais mong alalahanin, mas maramdaman kung gaano kaganda at kung ano ang ating pagkukulang sa mundo, ito ang tamang playlist para sa iyo.

“PARA SA TROPANG WALANG HUMPAY”
ni Marc Aldous J. Alvaran

 

           

 

 

Ang OPM ay maraming tema at isa na dito ang friendship songs o kanta ukol sa pagkakaibigan. Ang friendship songs ay tumutukoy sa kung gaano katatag ang inyong pagsasamahan at kung minsan ay tungkol kung saan kayo nagsimula at nagkakila-kilala. Ang friendship song ay isa sa magagandang tema ng musika dahil sa genre na ito ay naipaparamdam natin sa mga kaibigan natin ang ating saloobin o nararamdaman.

“MUSIKA. PINTIG NG PUSO, KALULUWA NG SAYA”
ni Laizalle Joy M. Aguirre
 

           

 

 

Nuon pa man, musika na ang naghahandog ng saya sa pamilyang pilipino. Birit ng madla, sigaw ng masa, tila isang sandata kontra kalungkutan at katahimikan. Ano mang okasyon, kaarawan man o kasalan, binyag man o maging sa libingan, musika ang naging larawan ng kalungkutan at kasiyahan.

           

Isang obra ng nota, laman ang ritmo ng isang pamilya.

 

Narito ang ilan sa mga musikang pilipino na pang pamilya.

“Ikaw ang lahat sa akin, sa Maykapal aking dinadalangin, dapat ba kitang limutin, pa’no mapipigil ang isang damdamin kung ang sinisigaw ikaw ang lahat sa akin.”

Ikaw Ang Lahat Sa Akin (1994)

© 2019 by Group 1 12- Aventurine created with Wix.com

bottom of page